Linggo, Abril 28, 2013

Globe GoSakto, Soapdish at Kamikazee, nagpasaya sa Pangasinan


Nagpamalas ng galing sa rakrakan ang banda ng soapdish at kamikazee sa naganap na free concert na hatid ng Globe GoSakto. Ito ay kaugnay ng selebrasyon ng Dagupan bangus festival ng taong 2013.
Jhay ng Kamikazee sa Dagupan Bangus Festival 2013, Dagupan City Plaza
            Dinaluhan ng mahigit isang libong manunuod ang naturang free concert. Nagkaroon din ng isang dance contest na sinalihan ng iba’t ibang mga kabataan mula sa iba’t ibang barangay o grupo ng mga kabataan sa naturang lungsod. Nakamit naman ng grupong Gethro Grade Wallop ang unang pwesto sa nasabing dance contest.
Gethro Grade Wallop, ang champion ng dance contest

Hindi nagpaawat ang mga manunuod sa halakhak at hiyawan sa tuwa habang nagpeperform ang mga idolo.
Kasunod nito, isang na namang concert ang magaganap na hatid ng Globe GoSakto.

Ang Globe GoSakto ang pinakabagong serbisyong hatid ng Globe. Ito ang promong nagbibigay kalayaan sa mga subscribers o users ng globe na gumawa at gumamit ng promong swak sa badyet. Maari itong magamit sa pamamagitan ng pagdial sa *143#. Ito ang nagpapadali ng pag-access sa uri ng promo na nais gamitin ng user. Maaari ring gumawa ng iba’t ibang kombinasyon ng text, tawag o surf at kahit sa gaano  ito tatagal.

Photo Credits: Ms. Vanj Padilla & www.grabinformatiions.com


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento