Linggo, Setyembre 1, 2013

Katapatan sa pagtupad ng tungkulin ng mga pinuno sa Alaminos, nararamdam ng simbahan

Nararamdaman umano ang sinseridad ng mga pinuno ng syudad ng Alaminos na pinamumunuan ni Mayor Arthur Celeste,  kung pagtupad sa tungkulin ang pag-uusapan.
 
Ito ang ipinahayag ni Father Bob Casaclang ng Saint Joseph Cathedral Parish sa Alaminos City, sa isang panayam bago magsimula ang misa para sa mga empleyado ng LGU Alaminos noong nakalipas na Biyernes.
 
Sinabi ni Casaclang na marami na siyang nakitang mga matatalino at mukhang aktibong pinuno, ngunit ibang iba pa rin umano kung ang isang pinuno ay naninilbihan ng buong puso.
 
Dagdag pa nito, masaya sila at nakaka-inspire na nakikita ang mga leaders na tinutupad ang mga ipinangako noong sila ay nangangampanya.
 
Umaasa si Casaclang na sana’y ipagpapatuloy nila ang kanilang magandang trabaho.
 
Mararamdaman din naman daw ito ng mga tao at tiyak na mae-engganyo silang makipagtulungan  kapag  maganda ang nakikita nilang serbisyo ng mga leaders.
 
Sinabi pa ni Casaclang na nagagalak ang simbahan sa pakikilahok ni Celeste sa mga aktibidad ng simbahan.
 
Ang huling Biyernes sa bawat buwan ay inilaan para sa misa ng mga empleyado ng city government.