Ang naturang seminar ay naglalayong maibahagi ang kaalaman tungkol sa I Love Pangasinan Campaign ng probinsiya, makilala ng mga kabataan ang Pangasinan sa iba't ibang aspeto gaya ng heograpiya, statistika, populasyon, mga produkto at iba pa. Nais ding maibahagi ang tulong para sa mga kabataan sa pamamagitan ng grupong Y4CD. Ang Y4CD o "Youth for Change and Development" ay isang samahan ng mga kabataang may edad na 18-25 anyos na nakatira sa Pangasinan. Ang grupong ito ay naglalayong tumulong sa kapwa kabataan para mapabuti ang komunidad. Ang pokus ng grupong ito ay ang turismo, teknolohiya, edukasyon, envuronment preservation at livelihood o employment.
Group Activities during Youth Empowerment Seminar
Speakers of Youth Empowerment Seminar
Ilan sa mga nagbahagi ng kanilang kaalaman at kwento ay sina Sir Joe Mark Pardiñas, Sir Mel Fatric Yan, Sir Nathaniel Joel Daruy, Atty. Verna, Miss Vanj Padilla, Sir JR Padilla at ang butihing gobernador ng Pangasinan na si Gobernador Amado T. Espino Jr..
Inaasahan ang paglawak at pagdalo ng mahigit isang libong mga kabataan sa susunod na pagsasagawa ng nasabing aktibidad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento